CHAPTER 12 ----- EVERYTHING I HAVE -----
By: Joemar Ancheta
* * * * * * * * * *
Nagmahal ako, binigyan laya ko
ang sarili kong magmahal muli
pagkatapos ng mga unos na nangyari sa
akin sa nakaraan. Akala ko iyon na ang
tama para sa akin. Iyon na ang
pagmamahal na noon ko pa hinahanap.
Lagi akong nagpapasalamat noon sa
Diyos dahil pinagkalooban niya ako ng
Gerald na magmamahal sa akin at
hiniling kong sana manatili siya sa aking
buhay. Ngunit kung sana kinakausap
tayo ng Diyos at binagbabawalan tayo sa
una palang na mali ang taong ating
inaangkin. Kung sana sasabihin niyang
isang malaking kasalanan ang pinasok ko
dahil incest ang aking ginagawa ngunit
hinayaan niyang mangyari ang lahat at
ako ang tanging makakadiskubre kung
saan ang mali sa relasyon namin. Ito ba
ang kapalit ng pagiging sobrang perfect
ng aming relasyon? Ngayon ay
pinapanalangin ko sa Diyos na sana ay
tuluyan ng mabura ang pagmamahal ko
kay Gerald. Sana ay tuluyan ko na ding
makalimutan ang lahat ng nangyari. Kung
ang lahat ng sana ay maging
makatotohanan. Kung sana lahat ng
hiling natin ay kayang gawin sa isang
kisapmata. Nananatili sa puso at isipan
ko si Gerald.
Umiiyak ako sa tuwing naaalala
ko siya. Kahit saan ako mapatingin sa
loob ng apartment ay parang nakikita ko
siya. Sa kusina habang kinakantahan
niya ako habang nagluluto, sa CR kung
naglalambing siyang magpahilod ng likod
o ang hindi na din mabilang na mga
paglalambingan na minsan ay nagiging
mas mapusok pa at nagtatapos sa
pagtatalik. Sa sala kung nanonood kami
ng pelikula at nakasandig siya sa aking
balikat, sa hagdanan na madalas naming
paghahabulan papunta sa kuwarto, sa
loob ng kuwarto na siyang laging saksi
sa aming matinding pagmamahalan.
Lahat ng mga ibinigay niya sa akin. Kung
lahat ng ibinigay niya ay ibabalik ko sa
kaniya, siguradong wala na halos maiwan
sa akin mula paa hanggang ulo. Alam
kong imposibleng makakalimutan ko
siya ngunit iyon ang kailangan kong pag-
aralan at gawin. Kailangan kong
kalimutang lover ko siya, kailangang
tuluyang mabura ang pagmamahal ko sa
kaniya at ang maiwan ay ang
katotohanang, magkapatid kami.
Higit isang oras pa lamang ako sa
apartment ay kumakatok na si Gerald sa
pintuan ng apartment. Alam kong may
susi siya kaya ginamit ko ang isa pang
padlock sa loob para hindi siya
makapasok. Hindi ko siya kayang
harapin. Hindi pa ako handang humarap
sa kaniya bilang kapatid kaya imbes na
pagbuksan ko siya ay pinatay ko ang ilaw
para maitaboy siya’t umuwi na sa bahay
nila. Ngunit dinig ko sa labas ang
kaniyang mga pagmamakaawa.
“Parang awa mo na bhie,
kausapin mo ako. ano bang problema?
Anong nangyari sa pag-uusap niyo ni
Daddy dahil siya din ay hindi masabi sa
akin kung alin nga ba ang mali at
pinahihirapan mo ako ng ganito
ngayon.”
Kung sana madali lang sabihin na
hindi na puwedeng ituloy namin ang
nasimulan dahil magkapatid kami.
Ngunit hindi sa akin dapat manggaling
ang lahat. Hindi ko alam ang buong
kuwento at dahil ang ama namin ang
dahilan ng lahat ng pagkakamaling ito ay
siya ang dapat magsabi sa anak niyang
inaruga niya at naging madali ang buhay.
Gusto kong maramdaman niya ang hirap
na ayusin ang gusot naming magkapatid.
Gusto kong sisihin din niya ng husto ang
sarili na ang dalawang anak niyang lalaki
ngayon ay nagkarelasyon dahil sa
kabuktutang ginawa niya sa kaniyang
kabataan. Nais kong maramdaman niya
ang nararamdaman ko ngayon. Iiwas ako
hanggang makakaiwas at alam kong
titigil din siya kung malaman niyang
magkapatid kami.
“Hindi ako aalis dito bhie
hangga’t ayaw mong makipag-ayos sa
akin. Kung may sinabi siya sa iyo, sana
sabihin mo sa akin dahil wala namang
gusot ang hindi naayos sa mabuting pag-
uusap.”
Naisip ko, hindi na kayang ayusin
ng mabuting pag-uusap ang relasyon
naming dalawa bilang kami. Isa itong
pagkakamali na dapat ay tapusin na at
hintayin ang tamang panahon kung
kailan matatanggap na ng puso na ang
nangyari ay dala lamang ng isang
pagkakamaling hindi dapat
pinagpapatuloy pa kundi nararapat
lamang na wakasan at pagdating ng
panahon ay muling sisimulan kung
tuluyan ng naglaho ang kakaibang sigaw
ng aming mga puso. Kung malalaman
niya ang lahat, siguradong katulad ko,
tatakas din siya, gustong kalimutan ang
nasimulan at mandidiri siya sa mga
nangyari sa amin. Alam kong darating
din siya sa puntong tulad ng ginagawa
ko ngayong pagtakas at pagtalikod.
“Baby naman, kung may sinabi
man si Daddy sa iyo, kailangan bang ako
ang nahihirapan? Hindi ko alam kung
ano ang mga sinabi niya sa iyo kung
bakit ka nagkakaganyan ngunit gusto
kong gamitin mo ang utak mo, makinig
ka sa puso mo, wala akong ginagawa na
kasalanan sa iyo para pahirapan mo ako
ng ganito. Pagbuksan mo ako, pag-
usapan natin ang problema. Hindi ako
aalis hangga’t hindi mo ako kinakausap,
bhie.”
Umiiyak na din ako. Alam kong
nahihirapan siya. Ganoon din naman
ako. Ang isa sa mga pinakamasakit na
bahagi ng relasyon ay ang
nagmamakaawa sa iyo ang taong mahal
mo. Ang pinakamasakit ay ang mahal
mo pa ang isang tao at mahal ka pa din
niya ngunit may mga dapat isaalang-ala
at alam mong mali nang ipagpatuloy ang
nasimulan dahil.
Bakit kami? Bakit siya ang
minahal ko ng ganito at bakit ako ang
minahal niya? Bakit nahihirapan kami
ngayong harapin at tanggapin ang
katotohanan. Paulit-ulit kong tinanong
ang Diyos kasabay iyon ng pagluha.
Habang siya ay nagmamakaawang
sagutin ko siya at kausapin, ako naman
ay nagmamakaawa din sa Diyos na sana
ay umalis na lang muna siya at pabayaan
na muna niyang lilipas ang lahat. Habang
siya ay nakikiusap na pagbigyan kong
mag-usap kami ay nakikiusap din ako sa
Diyos na huwag na niyang pahirapan pa
ang sarili niya at ako. Sa ama namin siya
magtanong dahil kapwa lang naman
kami biktima ng mga pangyayari sa
nakaraan na wala naman kaming
kinalaman.
“Please, kung mahal mo ako at
kung mahalaga pa ang pinagsamahan
natin, kahit bigyan mo lang ako ng ilang
minuto para makapag-usap tayo dahil
hindi ko kayang mabuhay ng wala ka.
Ikaw lang ang nagiging lakas ko para
lumaban… parang awa mo na bhie,
kausapin mo ako.”
May kasama ng iyak at hikbi ang
kaniyang pagmamakaawa at lalo na
akong nanghihina na parang nananaig na
ang awa ko sa kaniya at pagmamahal
ngunit idinaan ko na lang din sa pagluha.
Umakyat na ako sa taas at doon ko
tuluyang inihagulgol ang kanina ay
tahimik kong pagluha. Kinuha ko ang
headphone, binuksan ko ang laptap at
pinilit kong iwaglit sa isip kong naroon
siya. Gusto kong dugasin ang tainga ko
ngunit hindi nito kayang lokohin ang
aking utak at ang sakit ng
nararamdaman ko. Oo nga’t hindi ko
siya naririnig ngunit dinig na dinig siya
ng aking puso at alam kong hindi siya
tumitigil sa pagmamakaawa na harapin
siya.
Kinabukasan. Kahit hindi man ako
nakatulog pa ay kailangan ko ng
bumangon. Tinignan ko ang orasan, time
to take a bath na dahil may pasok pa
ako sa school. Next week na ang finals
namin at after 2 months, clinical
intership ko na at kapag pumasa ay
magiging ganap na akong doctor. Iyon
ang pilit kong ipinasok sa isip ko, harapin
ang pangarap at tuluyan munang iwaglit
ang usaping puso. Malapit na ako sa
finish line, babalikan ko na si nanang at
harapin naming dalawa at lasapin ang
bunga ng aking pagsisikap. Gusto kong
ipamukha sa ama ko na kaya kong
itaguyod ang buhay naming mag-ina
ngunit bakit si Gerald, si Gerald at si
Gerald parin ang nangingibabaw. Hindi
ako nakatulog magdamag dahil si
Gerald… paano kami ni Gerald… paano
ko harapinn ang buhay na wala na si
Gerald…na hindi na kami ni Gerald
kundi magkapatid na lang… paulit-ulit
lang na si Gerald ang paikot-ikot sa isip
ko kahit pilit kong ipinapaunawa sa aking
sarili na tapos na ang kuwentong pag-
ibig namin dahil kapatid ko, kadugo’t
kalaman ko ang lalaking minahal ko
ngunit ang diyaskeng puso ay ayaw
tumigil sa pagtibok… ang utak ay ayaw
maniwalang magkapatid kami…ayaw
sumuko…ayaw lumimot at tanging
pagluha…pag-iyak…paghagulgol ang
tanging kauuwian sa pilit kong
pagpapakatatag.
Wala akong ganang bumangon,
walang ganang kumain, walang ganang
maligo ngunit kailangan kong kumilos
dahil sa isang nabitiwang pangako kay
nanang. Hindi ngayon ang tamang
panahon ng pagsuko. Ngayon pa na
kilala ko na ang ama kong
pagpapamukhaan ko na kaya din naming
umahon ng kahit wala pa siya.
Paglabas ko sa pintuan ay naroon
parin si Gerald. Ginamit niyang unan ang
mga kamay niya at tulog. Nakita ko ang
sasakyan niya sa di kalayuan. Naisip
kong mahusay nga siyang magpaawa kasi
puwede din lang naman siya sa loob ng
Lexus niya matulog. Kailangan ko siyang
daanan kaya pagtaas ko pa lamang ng
paa ko ay bigla siyang bumangon at
hinawakan ang paa ko.
“Please bhie, huwag kang
pumasok na hindi tayo mag-uusap.”
“Ako ang nakikiusap sa iyo.
Tigilan na natin ito. Tanungin mo ang
Daddy mo kung ano ang problema at
huwag ako ang guluhin mo.”
Pilit kong tinanggal ang
pagkakahawak niya sa binti ko at nang
matanggal ko ay tinangka kung lumayo
ngunit nahawakan niya uli ang isang paa
ko hanggang dumausdos siya.
“Please naman bhie, kahit ilang
minuto lang. Huwag ka naman sanang
maging makitid dahil hirap na hirap na
ako.”
Bumangon siya at niyakap niya
ako. Mahigpit na mahigpit iyon at alam
kong kung hahayaan ko lang ay tuluyan
nitong matutunaw muli ang binuo kong
pader sa pagitan namin. Nanalangin ako
sa Diyos na sana bigyan niya ako ng lakas
na paglabanan ang lahat. Nilayo ko ang
katawan niya sa katawan ko. Mas
malakas ako sa kaniya kaya madali lang
sa aking ilayo siya. Nakita ko ang nag-
uunahang luha sa kaniyang pisngi.
Nakita ko ang sobrang pagmamakaawa
ng kaniyang mga mata. Nakikusap ang
mga iyon. Biglang parang pumusyaw
siya. Parang nanghihina. Napaluhod at
bigla na lang napasubsob.
Gusto ko siyang tulungan ngunit
pumasok din sa isip kong kasama iyon
ng pagdradrama lang niya. Pagtalikod ko
ay may humintong sasakyan at
nagmamadaling lumabas si Joey.
“Anong nangyari sa kaniya? Bakit
hindi mo siya tulungan?” galit at
aburidong tanong ni Joey ngunit hindi ko
na pinansin. Binilisan ko ang paglakad at
sakto namang may dumaan na jeep.
Pinara ko iyon at kasabay ng pag-upo ko
sa likod at tinanaw ang pagbuhat ni Joey
kay Gerald ay ang masaganang pagbuhos
na naman ng pinigilan kong luha.
Pagsapit ng hapon ay hindi
nagpakita si Gerald kaya pagkakataon ko
na din iyon na mag-empake at makalipat
na ng tirahan. Magbed spacer na lang
muli ako. Babalik ako sa dati kong
trabaho at iwan ang mga gamit na
ibinigay ni Gerald sa akin. Gusto kong
makalimot ng mabilisan. Gusto kong
maayos ang buhay ko at kapag darating
na yung panahong magkikita kaming
muli ay tanggap na ng puso at isip kong
magkapatid lang kami.
Nag-iwan ako ng sulat sa kaniya. Ganito
ang laman ng sulat.
Gerald,
Hindi dapat sa akin manggaling
ang balitang sumira sa ating nasimulan.
Magtanong ka sa daddy mo dahil siya
ang dahilan ng lahat ng kamaliang ito.
Nakikiusap ako na hayaan mo na muna
akong lumimot. Alam kong kailangan mo
din ito. At kapag malaman mo ang lahat
ay siguradong ikaw din ay
nangangailangan ng panahong mag-isip
at lumimot. Magkikita parin tayo at sana
kapag dumating ang panahong iyon ay
kapwa natin tanggap ang katotohanan.
Maraming salamat sa lahat ng mga
naitulong mo. Masakit man sanang
banggitin dito ngunit totoong sa iyo ko
lang naramdaman ang tunay na
pagmamahal, pagmamalasakit at
pagpapahalaga.
I do appreciate that you give me
everything you have at sobrang
nagpapasalamat ako sa lahat-lahat.
Minahal din kita at alam kong
naramdaman mo din iyon pero sana
ipagdasal natin sa Diyos na susunod
nating pagkikita ay ibang pagmamahal
na ang mamamayani sa ating puso.
Masakit man pero kailangan nating
gawin ang kung ano ang tama sa mata
ng Diyos at ng tao at kung ano din ang
dapat para sa atin. Para sa akin, hindi
masamang minahal kita ngunit nagiging
masama na lamang ito sa paningin ko
ngayon kung ipagpapatuloy pa natin ang
nasimulan. Hayaan mo na muna ako
nagyon. Huwag mo na muna akong
gambalain pa.
Magpapaalam muna ako ngayon
at sana pagdating ng panahon kung
kailan handa na tayong harapin ang lahat
ay makikita ko parin ang mga ngiti mo sa
labi. Patawarin mo ako kung nasaktan
kita pero gusto kong malaman mo na
hindi ka nag-iisa sa sakit na iyan kundi
ako din, kasama mong pinaglaruan ng
pagkakataon.”
Mario
May mga araw na hinihintay ako
sa gate ni Gerald. Hinahabol niya ako.
humihingi ng pagkakataong mag-usap
kami. Ngunit mas malakas ang mp3 ko
sa tainga at mas mabilis akong maglakad
palayo. Kung hihintuan man niya ako
gamit ang Lexus niya ay mas magaling
akong sumakay sa mga paparating na
jeep. Hindi ko siya binigyan ng
pagkakataon. Hindi ko din hinayaang
malaman niya kung saan ako nakatira.
Mas lalo na akong nainis nang isang araw
ay ang ama ko ang nakita ko sa gate na
nag-aabang. Isang mayamang tao na
naroon at naghihintay sa pinabayaan
niyang anak. Ngunit tulad ni Gerald bigo
din siyang kausapin ako.
Minsang pinatawag din ako ng
aming Dean, ang Campus President na
harapin ang ama ko ngunit kung
talagang ayaw ay hindi mapilit. Hindi pa
ako handang harapin sila. Katulad ng
hindi niya pagharap sa responsibilidad
niya sa akin. Katulad ng 25 years niyang
pagpabaya sa akin. Gusto kong
maramdaman din niya ang hirap ng alam
mong may anak ka ngunit hindi mo
kayang abutin. Katulad kong may amang
mayaman ngunit hindi niya ako
nakayang tulungan ng hinihila ako
palabas ng bahay kapag nakikipanood,
hindi din niya alam ang hirap nang
nagtitinda ng gulay para makapag-aral o
masunog ang balat at maglublob sa putik
para lamang sa baryang kikitain para
mabuhay. Hindi pa sapat iyon. Hindi pa
niya natutumbasan ang hirap na
pinagdaanan ko noon.
Hanggang tuluyan na silang
sumuko. Pati si Gerald ay hindi ko na
nakikita pa at hindi na din nagsasabi pa
ang kinaibigan kong guwardiya namin sa
campus kung nakita niya si Gerald o ng
pinagtataguan kong ama ko. Ibig sabihin
ay tuluyan na silang napagod pagkatapos
ng halos tatlong buwang paghingi sa akin
ng panahong makipag-usap. Ngunit hindi
ganoon kadali ang tatlong buwang iyon
sa akin. Nakikita kong nalulungkot ang
ama kong nabigo na kausapin ako.
Humahagulgol ako sa tuwing nakikita
kong nahihirapan na si Gerald. Nang
huling nakita ko ay pumayat na ito ng
husto. Ako man din ay pumayat dahil sa
wala na din akong ganang kumain at di
narin nakakatulog dahil kahit anong pilit
kong takasan ang lahat ay parang
multong hindi matahimik at gabi-gabi
akong dinadalaw. Mahal ko siya. Sa
kabila ng pagiging magkapatid namin,
mahal na mahal ko parin siya hindi
bilang kapatid kundi isang karelasyon.
Parang hindi ko magawang pandirihan
ang mga ginawa namin noon bagkus ay
sobrang namimiss ko parin ang kaniyang
mga yakap at halik. Bakit ganito! Bakit
hindi ko siya kayang iwaglit! Anong
sumpa ito sa akin! Anong naging
kasalanan ko at kailangan kong
mahirapan ng ganito?
Hanggang isang court summon
ang natanggap ko. Inanyayahan akong
maging saksi sa pagkamatay ng aking
ama. Ako lang daw ang tanging saksi ng
mangyari ang krimen. Muling binuksan
ang kaso ni nanang. Muling pinag-aralan
at isang sikat na abogado ang may
hawak sa kaniyang kaso. Pumasok sa
aking isipan ang aking ama. Siya nga ba
ang nagpabukas sa kaso ni nanang?
- Blogger Comment
- Facebook Comment
Subscribe to:
Post Comments
(
Atom
)
0 comments:
Post a Comment