CHAPTER 10 ----- EVERYTHING I HAVE -----
By: Joemar Ancheta
* * * * * * * * * *
hindi ko alam kung paano
ko simulang kausapin. Yun bang ayaw
mo sanang sirain ang mood ng isang tao
lalo pa’t may favor siyang ginagawa para
sa’yo.
“Baby, tulungan mo naman akong
iayos ang mga pinamili ko oh, heto
bumili ako ng ice cream mo saka yung
paborito mong chocolate cake….”
Hindi ako sumasagot. Hindi ako
kumilos. Parang walang narinig.
“Aba, suplado.” tatawa-tawa
niyang sinabi.
Kumanta-kanta siya habang mag-
isa niyang nililigpit ang mga pinamili.
Parang sa tingin niya ay ayos lang ang
lahat. Pagkaayos niya sa mga pinamili sa
Ref at sa cabinet ay muling nagpasuyo.
“Bumili pala ako ng isda baby,
namimiss ko na kasi yung fish sweet and
sour na luto mo. Ipagluluto mo ako ha?”
“Magluto ka ng lamunin mo!”
mabigat ang pagkakasabi ko.
“Galit? Ha ha! Paano kung
masusunog ko na naman? Masasayang
lang.” parang hindi siya tinamaan.
“Masasayang lang? Di ba, kayong
mga mayayaman hindi niyo alam ang
salitang sayang? Meron nga diyan,
makasama lang niya ang kalaguyo niya sa
ibang bansa ay kaya niyang lumiban sa
kaniyang klase at handa niyang i-drop
lahat ang mga subjects niya.”
Tumingin siya sa akin. Parang
gusto niyang magtanong ngunit ramdam
kong pinigilan lang niya ang sarili.
Kumuha siya ng platito. Naglagay siya ng
cake doon. Ibinalik at kumuha siya ng
kopita, nagsalin doon ng ice-cream.
Ibinalik niya sa Ref ang ice cream.
Nakangiti paring lumapit sa akin dala ang
kopitang puno ng ice cream. Inabot niya
iyon sa akin ngunit hindi ko tinanggap.
“Binasa mo mga text sa akin?
Bhie, kailan mo pa naging ugali ang
makialam sa celphone ko na hindi ka
nagsasabi?”
“Mula no’ng nagbago ka. Mula
noong nakita ko kayo ni Joey sa isang
restaurant na gusto kong lumabas tayo
ngunit mas pinili mong makipagkita sa
kaniya.”
“Anong nangyayari sa iyo?”
nilapag niya sa mesa ang ice cream.
“Ang tanungin mo ay anong
nangyayari sa atin. Sino si Joey sa buhay
mo? Bakit lagi kayong magkasama na
pumupunta sa Houston at anong
karapatan niya sa buhay mo para ipa-
drop ang mga subjects mo.”
“Baby naman, Joey is…. He’s my
friend. A family friend.”
“Sinungaling!”
“Bakit ka pa nagtanong kung
hindi ka rin lang naman pala maniniwala
sa isasagot ko.”
“Dahil hindi iyon ang totoo.
Maiintindihan ko naman kung kausapin
mo ako sa magandang paraan e, at hindi
dadaanin sa pagsisinungaling at
pagtatago tungkol sa kaniya.”
“Bhie, makinig ka sa akin. Gusto
kong…”
“Anong kalokohang makikinig ako
sa iyo! Ikaw ang makinig sa akin dahil
unang-una ikaw ang gumagawa ng
katarantaduhan. Anong nagustuhan mo
kay Joey ha? Dahil ba mas guwapo siya,
mas maganda ang katawan, mas
magaling sa kama, mas matalino! Anong
mayroon siyang wala ako? Mayaman siya
katulad mo at napapagod ka ng gastusan
ako? Kung iyon ang dahilan, sabihin ko sa
iyong kaya kong mabuhay ng wala ang
mga binibigay mo sa akin. Ikaw ang
nagpumilit na bigyan ako kahit ilang
beses na akong tumanggi dahil nga
parang naiinsulto ako. Kahit ayaw ko ay
pinagbigyan kita. Kaya kong magtrabaho
para sa sarili ko.”
Umupo siya. Tumingin siya sa
akin. Nangingilid ang mga luha. Parang
gusto niyang magsalita ngunit sa tuwing
bumubuka ang kaniyang bibig ay hindi
niya tinutuloy ang sasabihin hanggang
tuluyan na lang siyang yumuko.
“Bakit hindi ka sumagot! Bakit
hindi mo sabihin sa akin na ayaw mo na
sa akin at may bago ka na. Bakit
kailangan pa sa Houston ninyo gawin ang
mga bagay na puwede naman ninyong
gawin dito. Hindi mo naman kailangang
i-drop ang mga subjects mo para lamang
maiwasan ninyo ako ng tuluyan e.”
Umiling siya at tuluyan ng
bumagsak ang kaniyang mga luha.
“Hindi ko kailangan ang luha mo
Gerald, ang kailangan ko ay ang sagot
mo.”
“Ano pa ba ang gusto mong
sasabihin ko, bhie? Anong silbing sagutin
kita kung sarili mo lang naman na
conclusion ang pakikinggan mo?
Nagtatanong ka nga pero ang paratang
mo ay ang totoo na sa paningin mo.
Napakasakit lang sa akin na tuluyang
nilamon ng pagseselos mo ang
pagmamahal mo sa akin. Hinayaan mong
sirain ng paghihinala ang dapat ay buong
tiwala mo sa akin at ng pagmamahal ko
sa iyo. Nagseselos ka ba kay Joey?”
“Selos, marahil, ngunit mas
akmang sabihing natatakot akong
pinagpapalit mo na ako. Hindi ako
magkakaganito kung wala akong nakita
at nabasa. Hindi mababawasan ang
tiwala ko kung ang dating ginagawa mo
noon ay hindi nagbago. Kahit hindi mo
sa akin aminin, Gerald, naramdaman ko
ang maraming pagbabago.”
“Bhie, hindi natin hawak ang lahat
na nangyayari. Sa ayaw at sa gusto natin
ay may magbabago, may mawawala,
may naiiwan man ngunit hindi natin
kayang panatilihin iyon. Ngunit iisa lang
ang alam kong hindi nagbago o
nabawasan, iyon ay ang pagmamahal ko
sa iyo. Hindi din totoong ipinagpalit kita
kay Joey, please lang naman bhie,
makinig ka sa akin.”
“Nakikinig naman ako ah.
Sinasagot naman kita.”
“Nakikinig ka nga pero hindi mo
naman ako iniintindi.”
“Intindihin kita para malaya
mong gawin ang gusto mo. Maniniwala
ako sa iyo para puwede mo lang akong
paikutin ng paikutin.”
“Saan mo dinala ang talino mo,
bhie? Sa tingin mo ba, kung mahal ko si
Joey mag-aaksaya pa ba ako ng
panahong magpaliwanag sa iyo? Di ba
mas madali sanang makipaghiwalay sa
iyo at sabihin ayaw ko na kaysa sa
magpaliwanag sa iyo na sa tingin ko
naman ay sarado ang utak mong
pakingggan ako. Mainit ang ulo mo
ngayon, babalik na lang ako kung kailan
handa ka ng tumanggap sa mga
paliwanag ko. Wala kasing mangyayari sa
mga sasabihin ko kung galit ka dahil mas
pinapairal mo ang kung ano sa paniwala
mo ay tama. Ang taong galit, kahit wala
na sa rason ay ipagpipilitan ang alam
niyang tama kahit mali na siya. Tawagan
mo ako kung handa ka ng makipag-usap
sa akin. Yung alam mo na kung kailan ka
magsalita at kung kailan ka sa akin
makinig.” Tumalikod na siya.
Hindi ko alam kung anong
pumasok sa aking kademonyohan o
nainsulto lang ako sa ginawa niyang
pagtalikod na hindi pa niya nasasagot
ang mga tanong ko kaya pagtalikod niya
ay buong lakas ko siyang itinulak pabalik
sa kama. Napahiga siya. Hinawakan na
lamang niya ang ulo niya at mina-
masamasahe. Huminga siya ng malalim.
Paulit-ulit. Parang gusto niyang ilabas
lahat ang namumuong galit sa kaniyang
dibdib.
“Huwag mo akong talikuran at
huwag kang umalis na hindi mo
sinasagot ang mga tanong ko. Alam kong
gusto mong umalis dahil ihahanda mo
ang mga gamit mo dahil may flight kayo
ni Joey.”
“Ang pagpunta ko ba sa
Houston bukas kasama ni Joey ang
pinagkakaganyan mo? Ang paghihinala
mo ba sa amin ni Joey? Ang
pagpapadrop ba ni Joey sa mga subjects
ko? Ang kawalan mo ba sa akin ng tiwala
at sa tingin mo ay tama lahat ang iyong
iniisip? Ang pagseselos mo ba sa kaniya!
Sabihin mo sa akin kung ano ba talaga
ang problema bhie! Ipamukha mo sa
akin kung ano ba talaga ang ayaw mo at
lahat, lahat lahat ng gusto mo ay
gagawin ko ihinto mo lang ang ganiyang
ugali mo dahil kung may isang bagay na
ayaw kong mawala sa iyo o sa relasyon
natin, iyon ay pagkawala ng tiwala at
respeto natin sa isa’t isa. Kapag iyon ang
nawala hihilain nito pababa ang
pagmamahal natin sa isa’t isa hanggang
gawin tayong magkaaway imbes na sana
ay nagmamahalan. Irespeto mo ako pati
ng sasabihin ko kung gusto mong
irespeto ko din pati ang lahat ng maling
ginagawa mo at bintang sa akin ngayon.
Ansakit kasi na pinagbibintangan ka ng
wala ka namang ginagawang masama.
Ang hirap ng pinagbibintangan ka na
hindi mo alam kung paano mo
patutunayang mali ang hinala dahil hindi
ka naman pinakikinggan. Alam mo ba
kung gaano kasakit iyon? Ngayon,
magpakatotoo ka sa akin, sabihin mo
kung ano ang problema mo para
ihanapan ko ng solusyon. Please lang
bhie, sa lahat ng ayaw ko ay ang mag-
aaway tayo sa simpleng dahilan. Ayaw
kong magkaroon ng mitsa ang relasyon
natin sa wala namang kadahi-dahilan.”
“Lahat, Gerald lahat ng
binanggit mo. Ayaw ko ang pagpunta
mo sa Houston kasama si Joey,
naghihinala ako sa inyo, ayaw kong i-
drop mo ang mga subjects mo, nawalan
na ako ng tiwala dahil sa
pagsisinungaling mo at oo! Nagseselos
ako sa inyo!”
“Sige, hindi ako aalis dito. Kung
iyon ang gusto mo, mananatili ako sa
tabi mo. Hindi ako sasama kay Joey sa
Houston at walang pupunta doon.
Masusunod ang hiling mong hindi ko i-
drop ang mga subjects ko at para
mawala ang hinala mo at pagseselos,
ngayon din ay ihaharap ko si Joey sa iyo,
mag-usap kayo. Kung iyon lang ang
paraan para muli mo akong
pagkatiwalaan. Lahat ng gusto mong
itanong ay siya ang sasagot. Hindi ka
naman naniniwala sa sasabihin ko di
ba?”
Lumabas siya. Kinuha ang
celphone niya. Nagdial at tinawagan niya
si Joey.
Ilang minuto pa ay dumating
na si Joey.
Hindi ko alam kung paano ako
magsimula sa pagtatanong. Para kasing
sa ginawa palang niyang pagtawag sa
kaniya at iharap sa akin ay tuluyan na
akong naniwalang wala ngang namagitan
sa kanila ngunit parang tinutulak parin
ako ng pride ko. Napasubo na kaya
kailangan na lang harapin. Isa pa, gusto
ko din naman malaman ang totoo.
“Alam ko ang tungkol sa inyo ni
Gerald. Iginagalang ko iyon. May asawa
ako’t anak kaya kung anuman ang iniisip
mong namamagitan sa amin ni Gerald,
gusto kong tanggalin mo iyon sa isip
mo.”
“Bakit kayo pumupunta ni
Gerald sa Houston? Sa anong dahilan?”
“Kung gusto mong malaman
ang totoo ngayon, I’m sorry but I am
not the right person to reveal it. In due
time, malalaman mo din. Iyon kasi ang
pakiusap sa akin ng mga taong
kasangkot. Kailangang ilihim muna ang
lahat pero sinisigurado kong malalaman
mo din. Ang sigurado ko ay hindi sang-
ayon si Gerald sa pagpunta-punta niya
sa Houston, kung maari, hindi niya sana
gustong iwan ka dito ng matagal.
Kailangan niyang gawin ito sa ayaw niya’t
sa gusto para sa Daddy niya at para sa
iyo din.”
“Bakit kailangan niyang i-drop
ang mga subjects niya?”
“Dahil hindi na niya naasikaso
ngayon ang pag-aaral niya. Hindi siya
ang may gusto sa lahat ng ito. Sinusunod
niya lang ang tama at dapat niyang
gawin. Kaya sana, hayaan mong
pumunta siya ng Houston. Ako ang
nakikiusap sa iyo at kung narito lang ang
Daddy niya, siguradong makikiusap siya
sa iyo na hayaan mo muna siyang
harapin muna ang dapat harapin dahil
nahihirapan na din ang Daddy niya sa
sitwasyon ngunit dahil mahal niya ang
anak niya ay pilit niyang iniintindi ang
lahat. Puwedeng siya na lamang ang
pupunta doon dahil naroon naman ang
Daddy niya kung ikinakasama mong
isipin na kami ang magkasama. Huwag
mo lang siyang pigilan ang pagpunta niya
doon dahil naroon na ang Daddy niya at
mas maiging ako ang hindi pupunta
kaysa sa siya mismo.”
“Sigurado kang malalaman ko
din ang lahat ng dahilan pagdating ng
panahon?”
“Makakaasa ka. Kung ayaw
mong tuluyang mawala sa iyo si Gerald,
magtiwala ka sa kaniya dahil hindi iyan
gagawa nang hindi mo magugustuhan.
Sinabi niyang handa niyang ibigay at
isuko lahat ng meron siya. Masuwerte
kang nakatagpo ng katulad niya at
huwag kang gagawa ng mga bagay na
ipagsisisi mo kung hahayaan mong
lamunin ka ng pagseselos at pride.”
Hinatid ko sila sa Airport.
Yunakap siya sa akin ng sobrang higpit,
nagpasalamat siya sa ibinigay kong pang-
unawa. Tama naman siya. Kung
nagmahal ka, kailangan mong magtiwala
dahil magkakambal ang dalawang ito sa
kahit anong relasyon. Ngunit ang
dalawang linggo ay naging higit isang
buwan. Sobrang namiss ko siya ng husto
kahit lagi kaming magkachat at
nagkakatawagan. Iba parin talaga iyong
nayayakap ko siya, nahahalikan,
naaamoy at kasama sa lahat ng mga
gawain sa bahay. Namimiss ko siya ng
husto. Sobrang namimiss ko na siya.
Dumating siya, dalawang Linggo
bago ang kaniyang kaarawan. Dahil wala
na siyang pasok at hindi na nag-aaral ay
hinahatid-sundo na lamang niya ako.
Pag-uwi ko ay naroon siya sa bahay. May
pagkain lagi ngunit hindi siya ang
nagluluto. Nag-oorder na lamang sa
labas. Nagtataka lang ako dahil lagi
siyang may dalang backbag. Ayaw
niyang buksan ko ang laman no’n at
kahit saan siya magpunta, dala niya ang
bag na iyon kahit pa mag-CR lang siya.
Hindi na ako nag-usisa, hindi na rin ako
nagsimula pang mag-isip ng maaring
maging mitsa ng pagdududa. Tama na
yungandiyan siya. Sapat na yung masaya
ako sa kaniya.
Siya ang nanggigising sa akin sa
umaga dala ang breakfast na dinaanan
lamang sa mga bukas na restaurant sa
umaga. Sabay kaming kakain dahil gusto
niyang binebeybi daw niya ako ngayong
hindi na siya nag-aaral. Sobrang spoiled
ko sa kaniya. Pagkatapos naming mag-
agahan ay ihahatid ako sa school.
Susunduin pagkatapos ng aking klase at
sabay kaming mamasyal hanggang sa
dinner. Bago siya umaalis sa gabi
kinakantahan muna niya ako hanggang
makatulog ako, kukumutan, dadampian
ng halik sa labi. Sasabihin ang paulit-ulit
niyang sinasabi na mahal na mahal niya
ako at ako ang buhay niya. Papatayin ang
ilaw at maririnig ko na lamang ang
busina at ingay ng kaniyang sasakyan
palayo. Nasanay ako sa ganoong set-up.
Paano na lang ang buhay ko kung
mawala siya sa akin? Nasanay na akong
kasama siya at pinagaan at pinasaya niya
ang puno ng lungkot, pagdurusa at
pagdarahop na buhay ko.
Hanggang dumating ang kaniyang
kaarawan. Isang nakakagimabal na
katotohanan ang aking nasaksihan. Isang
katotohanang noon ay gusto kong
tapusin at takasan!
- Blogger Comment
- Facebook Comment
Subscribe to:
Post Comments
(
Atom
)
0 comments:
Post a Comment