---- EVERYTHING I HAVE -----
By: Joemar Ancheta
CHAPTER 1
* * * * * * * * * *
Masarap magmahal sa taong
mahal ka. Iyon bang kaya niyang ibigay
sa iyo ang lahat ng gugustuhin mo.
Handa niyang gawin ang lahat ng hiling
mo. Titiisin ang lahat, isakripisyo at
kalimutan ang pansarili niyang
kaligayahan. Sabi nila, masuwerte ka
kung may darating na ganitong pag-ibig
sa iyong buhay. Sabi din nila minsan din
lang ito darating at kung pakakawalan
mo maaring hindi na muli pang darating.
Paano nga ba ako maniniwalang
may ganoong pag-ibig sa tulad kong
lumaki lang sa isang liblib na purok ng
dulo ng Pilipinas. Magsasaka ang tatang
ko. Magsasakang walang sariling lupa
dahil binabayaran lamang siya araw-
araw. Lahat ng puwedeng iutos sa
kaniya ay ginagawa niya kapalit ng 40
pesos niyang kinikita. Noong bata ako,
ang 40 pesos na iyon na kaniyang
pinagpaguran sa maghapon ay tama din
lang para sa kaniyang bisyong alak at
sigarilyo. Kung may maiiwan doon ay
siya naman naming pambili ng kailangan
sa kusina. Basta hindi dapat
maisakrpisyo ang alak niya at sigarilyo
dahil katwiran nga naman niya ay siya
ang nagpagod kaya nararapat lang na sa
kaniya mapunta. Si Nanang naman
hayop din kung manigarilyo. Tambutso
ang bunganga sa paninigarilyo at
sinasabayan din niya ang Tatang sa pag-
inom ng alak. Hindi nga lang sila
magkaharap kung tumoma ngunit
pagsapit ng gabi kapwa na sila lasing at
magkakaroon ng mahabang sumbatan sa
nangyayari sa buhay namin. Hindi ko
naranasan yung lumaki na pinapaliguan
ng mga magulang. Basta nang nagkaisip
ako, ang alam ko ay kasama ako ng mga
hubu’t hubad na mga batang
nagtatampisaw sa ilog na para bang
hindi sila natatakot na ako’y malunod o
tangayin ng agos ng ilog. Kapag kainan
naman ay lalagyan na lang ni nanang ng
kanin ang pinggan ko, hahaluan ng
mantika o kaunting asin o kaya ay
bagoong, sarap na sarap na ako doon.
Kung sa umaga naman ay masaya na ako
kung may kape na isasabaw ko sa aking
kanin. Pista na nga ring maituturing
kung may ginisang sardinas na ihahain.
Mula nagkaisip ako ay natutulog akong
tanging pagbubungangaan at walang
kamatayang diskusyon ang aking
naririnig mula sa mga lasing kong nanang
at tatang. Hindi ko nakitang
naglambingan sila. Kung hindi sila lasing
sa tanghali, tama na yung pag-uusap nila
tulad ng pagtatanong ni tatang kung
may sinaing na at kung ano ang nalutong
ulam, sasagutin naman ni nanang na
tignan na lang ni tatang sa kusina kung
ano ang nakahanda doon at kainin kung
anong meron dahil hindi naman sila
mayaman.
Walang kuryente pa noon ang
baryo namin kaya noong edad anim na
taong gulang lang ako ay nakapaa pa ako
sa madilim at masukal na daan para
makidayo na makipanood sa betamax ng
may kaya at may sariling generator sa
kabilang baryo. Kung may dalawampiso
kang pambayad, papapasukin ka sa loob
at kalimitan naman ay wala akong pera
kaya naghahanap ako ng butas na
puwede kong silipan para lang
mapanood ko si Jackie Chan, si Robin
Padilla, Philip Salvador, Rudy Fernandez,
Bhong Revilla at si Fernando Poe Jr.
Ngunit isang araw nang muli akong
pumuwesto doon sa sinisilipan ko ay
nasarhan na iyon ng napakakapal nilang
kurtina kaya sinikap kong pumuslit para
makapasok sa loob na hindi nagbabayad.
Kapapasok ko pa lamang sa ay bigla na
lang hinila ang aking manipis at
maduming puting sando at narinig ko pa
ang pagkapunit.
“Balak pang pumuslit ng hayop
na ‘to!”
Hinila ako palabas saka
pabagsak na isinara ang pintuan.
Pakiramdam ko noon ay parang hindi
ako tao katulad ng mga nanonood sa
loob. Dahil ba sa wala akong pera kaya
wala na din akong karapatang mapanood
ang pinapanood nila? Umaatungal ang
aso sa labas ng bahay nila. Nabuksan
muli ang pintuan nila at napangiti ako.
Akala ko ako ang papapasukin pero
kinarga ng may ari ang tuta saka
tumingin sa akin.
“Ano pang ginagawa mo dito?
Umuwi ka na sa kubo niyo, hoy!”
Pagkatapos no’n ay pumasok na
siya kasama ng aso. Mabuti pa yung aso
kinarga at ipinasok sa loob ngunit ako na
tao pinapalayas na masahol pa sa hayop.
Bago ako umalis ay nakita ko ang
pinagkakainan ng aso, May pansit at
ilang buto ng pritong manok na madami
pang laman na sa katulad kong mahirap
lang ay ulam na din iyong maituturing.
Napabuntong-hininga ako. Iisa ang
tumatakbo sa isip ko no’n, naiinggit ako
sa aso nila. Mas hamak pang masuwerte
siya kaysa sa akin.
Pagdating ko sa bahay ng gabing
iyon ay nakita ko na namang
nagrarambulan ang aking mga magulang.
Umupo ako sa unang baitang ng
hagdanan namin. Sanay na kasi ako sa
kanilang sigawan at sakitan. Kung dati
umiiyak ako sa tuwing nag-aaway sila,
ngayon ay parang drama na lang iyon sa
AM radio station na paulit-ulit kong
pinapakinggan.
Dahil malapit lang ang school sa
amin ay sinabi ko kay nanang na mag-
aaral din ako katulad ng mga kapit-bahay
namin. Walong taong gulang na kasi ako
noon pero hindi pa ako marunong
bumasa at sumulat dahil hindi naman
ako nag-aaral. Mabuti na lang at
magaling ang utak kong pumik-up.
Nakikinig ako sa mga usapan nila kung
nanood kami at tinatandaan ko ang mga
mukha at pangalan ng mga artistang
napapanood ko.
“Kung gusto mong mag-aral,
magtrabaho ka. Mag-ipon ka para sa
pasukan ay makapag-aral ka. Ako nga, di
marunong magsulat at magbasa, tatang
mo lang ang marunong niyan dahil
noong panahon namin dito ay hindi uso
yang pag-aaral na iyan. Malaki ka na,
alam mo na kung ano ang nakabubuti sa
iyo.” Iyon ang tinuran ni nanang noon.
Dahil gusto ko talagang mag-aral
ay sinimulan kong pumunta ng bukid.
Kung binabayaran si tatang sa mabibigat
na trabaho, ako naman ay sa magagaan
lang tulad ng paglilinis sa pilapil,
pamumulot ng mga kuhol at ilalagay sa
isang sako dahil nga kinakain ng kuhol na
ito ang malilit na sibol ng tumutubong
palay. Ang bayad ko noong 10 piso sa
buong maghapon na nasa putikan sa
gitna ng matinding sikat ng araw ay
iniipon ko para sa susunod na pasukan
ay makapag-aaral na ako.
Habang ako noon ay nasa bukid
na at nagtatanim ng palay ay
madadaanan ako ng mga naka-uniform
na mga kalaro ko at may mga bag
papasok sa paaralan. Pag-uwi nila sa
hapon ay naroon parin ako sa gitna ng
putik samantalang sila ay nagkakantahan
at naglalaro sa daan pauwi sa kanilang
mga bahay. Naiingit ako noon lalo pa’t
ang ilan sa mga kalaro ko ay inihahatid
pa sila ng kanilang mga magulang at
sinusundo kapag uwian. Hindi naman
sila mayaman, mahirap lang din sila
kagaya ko ngunit nag-aaral sila at
tahimik ang kanilang bahay sa gabi
maliban sa malulutong nilang mga
tawanan. Bakit ako parang walang
nagmamahal sa akin? Bakit ako, parang
ulila ako kahit buhay na buhay pa ang
aking mga magulang? Bakit ni minsan
hindi man lang kami nagtatawanan sa
bahay?
Dahil may kaluwangan ang likod
bahay ay sinikap kong humingi ng mga
buto ng talong, kamatis at iba pang mga
gulay sa mga kalaro ko na may mga
ganoong nabubulok na gulay sa bakuran
nila. Kapag kasi tapos na ang taniman ay
bihira na rin ang nangangailangan ng
babayaran na magtratrabaho sa bukid
kaya iyon na ang naisip kong gawin
habang maghihintay naman ng anihan
ng palay. Magsisiyam na taong gulang na
kasi ako sa pasukan.
Sa pagdaan ng panahon ay
mabilis namang lumaki ang mga pananim
kong gulay na para bang nakikisama sa
akin ang kapalaran kahit wala akong
pataba at tubig lang sa ilog ang
pinapandilig ko araw-araw. Nang
namunga naman ay naging problema ko
kung kanino ko iyon ibebenta dahil halos
lahat ng mga kapit-bahay naming ay may
mga gulay din sa likod-bahay nila.
Maliban sa mga ilang tamad na walang
ginawa kundi magtsismisan at maglaro
ng braha.
Naisip kong dalhin ang mga bunga
ng talong, ampalaya, sitaw at kamatis sa
bayan. Higit dalawang oras ko din
nilalakad iyon sa masukal na kagubatan
at talahiban bago marating. Kung dadaan
kasi ako sa daanan ng mga sasakyan ay
aabutin ako ng tatlong oras kaya doon
ako sa shortcut dumadaan. Nahihirapan
ako noong magbilang lalo na sa pera
kaya minsan binubungangaan ako ng
mga bumibili sa isang bayong lang na
gulay na paninda ko. Presko kasi ang
mga paninda ko kaya sa akin bumibili
ang ilan pero dahil sa bakuran lang ako
nagtanim kaya ilang araw uli ako
maghihintay bago magkabunga at
ititinda. Sa harap ng parlor ng isang
baklang parang babae ako noon
nagtitinda. Sa akin din siya bumibili at
napansin nga niyang hindi ako marunong
magsukli. Nang minsang wala siyang
ginugupitan ay tinawag niya ako sa loob.
Wala na akong ibebenta noon.
“Anong pangalan mo balong?”
“Mario po. Kayo po?”
“Champagne. Tawagin mo akong
ate Champagne. Hindi ka ba nag-aaral?
Tiga saan ka ba?”
“Hindi pa po ako nag-aral e.
Katunayan nga po, nahihirapan pa akong
magbilang. Pangalan ko nga po hindi ko
alam isulat.”
“Wala ka bang mga magulang?”
“Meron po.”
“Pero bakit ka pinapabayaan ng
ganiyan? Ilang taon ka na?”
“Sabi po ni nanang, walong taong
gulang na ako. Malapit na daw ako
magiging siyam.”
“Gano’n e parang 12 years old na
sa tangkad mo ah. Guwapo kang bata
ka. Gusto mo turuan kitang magbilang at
isulat ang pangalan mo? Sandali at
kumuha ako ng lapis at papel.”
Iyon ang kauna-unahang
pagkakataon na naturuan akong
magbilang. Sa higit isang oras ding
pagturo ni Ate Champagne sa akin na
magsulat ay tuluyan ko ng alam kung
paano isulat ang buong pangalan kong
Mario Bautista. Pag-uwi ko ay ibinigay
na din sa akin ni Ate Chapagne ang
kaniyang lapis at papel. Kaya nang
umuwi ako ay pagkatapos kong diligan
ang aking mga gulay ay wala akong
ginawa kundi ang isulat ng paulit-ulit ang
aking pangalan.
Nang pasukan na ay pumunta ako
sa bayan para bumili ng mga
kakailanganin ko sa pag-aaral.
Sinamahan ako noon ni ate Champagne
na bumili ng aking mga gamit at tuwan-
tuwa akong umuwi noon na dala ang
aking mga gagamitin sa pag-aaral.
Pinakita ko kay tatang ngunit nasaktan
lang ako sa sinabi niya sa akin.
“Akala mo naman may
mararating ka sa aral-aral na ‘yan. Doon
din lang naman sa bukid ang bagsak mo.
Basta ito ang tandaan mo bata ka ha?
Pagdating diyan sa pag-aaral na iyan ay
wala kang mahihintay sa akin na kahit
anong suporta. Wala akong pakialam at
huwag na huwag kang hihingi ng tulong
sa akin diyan sa diayskeng pag-aaral mo!
Kita mong naghihirap na tayo iyan pa
ang inaatupag mo. Do’n sa bukid ka
nababagay o kung hindi naman ay diyan
sa gulay mo sa likod ang asikasuhin mo
nang may malamon ka. Tignan lang natin
kung hanggang kailan ka tatagal diyan sa
buwisit na pag-aaral na iyan.”
Gusto ko siyang sagutin noon
pero kinuha ko na lang uli ang mga
gamit kong may luha sa mga matang
pumasok sa loob ng aming kubo.
Pinangako ko sa aking sarili na pagdating
ng araw, magsisisi siya sa mga sinabi
niya. Ipapamukha ko sa kaniyang hindi
ako matutulad sa kanila ni Nanang.
Pagdating ni nanang galing sa pagtotong-
its ay hiningan niya ako ng perang
pambili daw niya ng sigarilyo niya. Ayaw
ko sanang bigyan dahil baka kukulangin
ako ng mga kakailanganin sa school pero
ayaw ko din naman mapagalitan ako.
Inisip ko na lang na dodoblehin kong
magtrabaho kapag wala akong pasok
tulad ng Sabado at Linggo. Nakita niya
ang mga gamit ko sa school at may
sinabi din siyang hindi ko nagustuhan.
“Taas ng ambisyon. Tignan lang
natin kung saan din ang bagsak mong
bata ka.”
Sa gabing iyon ay napaiyak ako sa
tinutulugan ko. Pakiramdam ko noon ay
hindi ko sila mga magulang. Wala akong
nararamdamang pagmamahal at
pagmamalasakit. Parang sa buong buhay
ko ay nabuhay na lang ako sa awa ng
Diyos. Ngunit lahat ng mga sinabi nila ay
ginawa kong challenge para
magtagumpay ako.
Unang araw noon sa paaralan at
nakita ko ang kaibahan ng mga kaklase
ko sa akin. Magara ang kanilang mga
sapatos at damit ngunit mangilan-ngilan
din lang kaming nakatsinelas lang at may
suot na mumurahin at hindi plantsadong
uniform. Masarap ang baon nila tuwing
recess samantalang ako ay lumalabas
lang para uminom ng tubig sa poso at
bumabalik na ako sa loob ng aming silid-
aralan para mag-aral at hihintayin ang
pagbalik ng aking mga kaklase. Lahat
sila ay may mga kaibigan. Barkada.
Tropa. Bakit ako wala? Iyon ba ay
kasama ng sumpa kung mahirap ka? Ang
walang gustong makipagkaibigan sa iyo
dahil wala kang baon, wala kang
magarang suot na damit at wala kang
maikukuwentong mga bagong napanood
na pelikula o kaya ay mga bagong
laruan? Ngunit alam kong may isa akong
puwedeng magamit para isang araw ay
magbabago din ang tingin ng lahat sa
akin. Iyon ay ang aking talino.
Ilang buwan pa lamang noon ay
magaling na akong magbasa. Nagugulat
ang mga guro sa bilis kong matuto.
Ngunit dahil mahirap lang ako at hindi
din kilala ang mga magulang ko, kaya
hindi ako nakakapasok sa mga
nakakakuha ng mga parangal. Ngunit
alm ko at alam ng mga kaklase ko na
ako ang pinakamatalino sa klase. Walang
tanong ang teacher ko na hindi ko
masagot. Pero para sa akin, hindi naman
importante iyon, ang mahalaga ay
masaya akong pumapasok, marami
akong natutunan at dumami na din ang
mga kabigang nagapapatulong sa akin.
Grade four na ako noon nang
maisipan ng isa sa mga guro kong
ipalista ako para sa acceleration program
ng public school sa mga may edad at
matatalinog mag-aaral. Sa awa ng Diyos
ay pumasa ako at isang araw pagpasok
ko sa school ay grade six na agad ako.
Maliban sa guro kong nagpalista sa akin
para maaccelerate at sa prinicipal namin
dahil isang karangalan nga naman na
galing sa paaralan niya ang nagtop sa
buong Region II sa acceleration program
ay wala ng ibang natuwa pa. Kahit gaano
kasaya ako noong umuwi para ibalita ko
sa mga magulang ko ang nangyari ay
parang wala lang sa kanila ang lahat.
Hindi pinansin ang ibinalita ko at ganito
lang ang sagot ng mahaba at puno ng
excitement kong kuwento.
“Bilhan mo nga ako ng Gin diyan
kina Aling Delia. Bilisan mo. Kung may
pera ka, bumili ka na din kahit tatlong
stick lang ng sigarilyo.”
Gano’n lang iyon.
Akala ko ang pagiging dukha ko
lang ang problema noon. Para sa akin,
iyon ay kaya ko sanang solusyunan dahil
kaya kong pagtiiisan ang lahat. Kumbaga
alam kong darating ang araw na kaya
kong hanapan ng kasagutan basta
masipag ka lang at madiskarte sa buhay.
Ngunit habang nagkakaedad ako ay mas
lalo akong naguguluhan. Mas lalo akong
nagtatanong kung ano itong gumugulo sa
akin.
Kung nagagawi ako sa ilog para
magsalok ng pandilig ko sa aking gulay
at naabutan ko si Kuya Berto na
kapitbahay na may maskuladong
katawan ay naaliw akong panoorin
siyang sinasabon niya ang buo niyang
katawan. Napapalunok ako sa tuwing
nakikita ko ang bumubukol sa kaniya. Sa
tuwing pumupunta ako sa parlor ni Ate
Champagne at pinababantay niya ako
dahil may bibilhin siya ay nanginginig
akong buksan ang mga magazine niyang
may mga hubad na artista sa mga bold
movies noong dekada 90 tulad nina
Leandro Baldemor, Isko Moreno at
tinitigasan ako kapag tinititigan ko si JC
Castro sa malaking litrato niya na
nakikita sa gitna ng magazine na ang
suot ay manipis lang na putting brief.
Iba iyon sa kadalasang paksa ng usapan
nina Richie na kaklase ko noong grade
six na ako. Hindi iyon katulad sa
dinadala niyang litrato at litaw na litaw
na suso nina Ina Raymundo, Ynez
Venerazion o kaya ay si Rosanna Roces.
Bakit hindi ako tinitigasan sa kanilang
mga pinag-uusapan? Bakit parang wala
akong libog na maramdaman nang
minsang gusto kong gayahin ang
kuwento ni Richie na ialalagay lang sa
banyo niya yung hubad na picture ni
Rosanna Roces tapos lalagyan ng sabon
ang o shampoo ang kaniyang kamay at
iimaginin niyang naroon si Rosanna at
kasex niya ito sa kaniyang utak. Bakit
kahit anong gusto kong pilit ay tanging si
Kuya Berto na kapitbahay namin, si JC
Castro at nang lumaon ay si Richie na
mismo ang lamang ng aking utak sa
tuwing nilalaro ko ang aking kargada.
Doon na ako natakot. Doon na ako nag-
alala ng husto.
Bakla ba ako?
Isang Linggo na lang noon ay
gragraduate na ako ng grade six.
Labintatlong taong gulang na ako noon
at bagong karanasan sa akin ang
pagmamasturbate. Iyon bang sarap na
sarap pa akong hinahagod ang aking
kargada gamit ang pinabulang sabong
panlaba namin. Nagkaroon kasi ako ng
pagkakataong ipuslit ang isang lumang
magazine ni Ate Champagne na
centerfold si JC Castro na sobrang
pinagpapantasyahan ko noon. Walang
tao sa bahay dahil alam kong nasa bukid
si tatang at si nanang naman ay nasa
lamay sa may patay malapit sa bahay.
Binasa ko ang kamay ko ay nilagyan ng
kaunting sabong panlaba. Hinubad ko
ang short ko at ipinatong ang magazine
na ang naroon ay ang malaking picture ni
JC. Nag-imagine muna ako at nang galit
na galit na ang aking kargada ay
sinimulan kong nilaro. Malapit na ako
noong labasan ng biglang pumasok si
tatay sa aming kubo. Huli na para itago
ang kababuyang ginagawa ko dahil
tumalsik ang aking malinaw-linaw pang
tamod. At dahil sa nanghihina ako ay
wala na akong pagkakataon itaas ang
aking short, itago ang nilalabasan kong
kargada at itago ang pinagpapantasyahan
kong malaswang babasahin.
At noon, dahil doon, nag-
umpisa na akong pahirapan hindi lang ng
aking pagiging dukha kundi ang
katotohanang ako’y isang bakla. Isang
pananakit ng isang ama sa isang anak na
sinundan ng unang pagkabigo ko sa una
kong pag-ibig ang susunod ninyong
matutunghayan.
- Blogger Comment
- Facebook Comment
Subscribe to:
Post Comments
(
Atom
)
0 comments:
Post a Comment