----- EVERYTHING I HAVE -----
By: Joemar Ancheta
CHAPTER 2
* * * * * * * * *
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin
ko. Huli sa akto na walang maisip na
paliwanag. Iyon bang wala kang kawala
kundi tumahimik at hintayin ang
paghusga kundi man ang tuluyang
hatulan. Parang nangangatal ako noon
ng hiya. Hindi ko alam kung ano ang una
kong gawin.
“Tang-ina! Anong ginagawa mong
kababuyan!”
Lumapit si tatang sa akin. Tinaas ko ang
short ko at agad kong dinampot ang
magazine. Tinago ko iyon sa likuran ko
na parang nahimasmasan sa mahabang
pagkahimbing.
“Wala ho.” pagsisinungaling ko kahit
alam kong nakita niya. Alam ko namang
nakita na niya ngunit nagtanong pa siya
kaya iyon lang ang alam kong isagot.
“Tignan ko nga yang tinatago mo. Akin
na ‘yan! Huwag mong hintaying magalit
pa ako sa iyo.”
Tumingin ako sa kaniya noon. Gusto
kong tantiyahin muna kung ano ang
gagawin ni tatang mula pagkabata ko,
ngayon ko lang siya nakita na ganoon
ang tingin niya sa akin.
“Wala ho ‘to. Hiniram ko lang po ito.
Hindi po akin.” Sa katulad kong kahit
sukol na ay gumagawa parin ng paraan
para maabsuwelto ngunit nang
nagsimula na siyang magbilang ay alam
kong kahit anong gawin kong pagtanggi
ay titignan at titignan niya iyon. Yumuko
ako. Inabot sa kaniya ang magasin na
puno ng mga hubad na kalalakihan.
“Ano tong…Tang-ina, bakla ka? Ano?
Sumagot ka hayop ka, anong ibig sabihin
nito ha? Binabae kang animal ka!”
Kung may isang salitang kinaiinisan kong
marinig noon ay ang sabihan akong bakla
o binabae. Oo nga’t alam kong ganoon
ako at nararamdaman ko iyon ngunit
iyon ang unang pagkakataong narinig
kong tinanong ako at tinawag na bakla
na para bang para sa akin ay isang
nakapalaking kahihiyan at pagtapak sa
aking pagkatao. Isa pa, bakit mula
pagkabata ko naririnig ko ng tinatawag
ako ng hayop ka… animal ka! Tapos
ngayon kinabitan na ng buong binabae
kang animal ka? Tumingin ako sa mukha
ni tatang noon. Galit siya. Galit na galit
at naghihintay siya ng isasagot ko.
“Lalaki po ako, tang.” Mahina kong sagot
tuluyan ng tumulo ang aking luha.
Umiiyak ako sa takot. At sa isang iglap
ay isang malakas na suntok sa panga ko
ang pinatikim ni tatang sa akin.
“Sige, tarantado ka, lumaban ka. Ipakita
mo sa akin na lalaki ka gago!” hinawakan
niya ang leeg ko at hindi ako makahinga
sa sakal niya sa akin. Pakiramadam ko ay
napakatagal ng pagkakasakal niya sa akin
na wala ng naiipon pang hangin sa aking
baga. Nalulunod na ako at umiinit na ang
buo kong mukha sa pamumula. Luha,
sipon at laway na ang lumalabas sa akin
at dahil kung hahayaan ko pang tatagal
ang pagkakasakal sa akin ni tatang ay
tuluyan na akong malagutan ng hininga.
Tinutulak-tulak ko ang dibdib niya.
Nagmakaawa ang luhaan kong mga mata
at pinilit kong magsalita para
magmakaawang tanggalin na niya ang
kamay niya sa aking leeg ngunit tanging
laway lang at ungol ang lumalabas sa
akin. Pinilit kong tanggalin ang kamay
niyang nakasakal sa akin ngunit malakas
ang kaniyang mga daliri. At tanging
malakas na tadyak sa kaniyang sikmura
ang alam kong paraan para makahinga
akong muli. At nang nabitiwan niya iyon
ay parang napakahalaga sa akin ang
bawat paghinga. Nahuli ng pang-amoy
ko ang kaniyang amoy alak na hininga.
Nakainom siya. Napaluhod ako sa
pagkahina kasabay ng sunud-sunod ding
pag-ubo. Ngunit hindi pa ako
nakakabawi sa panghihina ay isang
malakas na sipa naman ang pinakawalan
ni tatang sa aking tadyang, isa pa bang
sipa sa aking mukha na tinamaan ang
aking bibig dahilan para dumugo at
sumabog iyon. napasadsad ako sa gilid n
gaming kubo at nakita ko ang pagtulo ng
dugo mula sa aking bunganga pabagsak
sa yari sa kawayan naming suwelo. Doon
na ako natakot ng husto. Naisip ko ng
lumayo doon at nang palapit muli si
tatang sa akin ay sinikap kong tumayo at
kumaripas ng takbo. Dinig na dinig ko
ang kaniyang sigaw… “Tang ina kang
bakla ka. Magpakalalaki ka kung ayaw
mong patayin kita. Nag-iisa kang anak
hayop ka tapos bakla ka pa. Kung hindi
ka pa magpakalalaki tang ina mo, ako
ang papatay sa iyo. Hindi ko pinangarap
na magkaroon ako ng baklang anak gago
ka!”
Noon ay gusto kong lumayo. Doon sa
hindi ko marinig ang panlalait niya sa
aking pagkatao. Tumakbo ako ng
tumakbo papunta sa ilog hanggang
nakarating ako sa may kakahuyan.
Nagpahinga ako sa silong ng isang
sampalok at doon ay parang tao na
kinausap ko ang punong iyon.
“Bakit gano’n sila? Nang gumawa ako ng
tama, nagsisikap para makapag-aral sa
sarili kong kayod, nagbigay ng
karangalan sa school at napromote mula
Grade four to Grade six, yung pagiging
mabuti kong anak, yung pagiging
masipag ko’t maasahan sa lahat ng
gawaing bahay? Bakit hindi nila napansin
iyon? Bakit hindi ako nakita man lang?
Ngayong nakagawa ako ng isang
kasalanang hindi ko naman sinasadya ay
ngayon ako napansin? Sabi ng teacher
ko, kapag daw nagagalit ang mga
magulang namin sa amin ay mahal na
mahal daw nila kami. Sa pananakit ni
tatang sa akin kanina, sa sobrang galit
niya sa akin? Ibig bang sabihin no’n ay
mahal na mahal niya ako? Simbolo ban g
pananakit na iyon ang pagmamahal sa
akin?”
Umiyak ako ng umiyak. Naiinis ako sa
sarili ko. Sana hindi ko na lang ginawa
iyon. Sana lang pinilit ko na ang sarili
kong tumingin sa mga pictures nina
Rosana Roces, Amanda Page at iba pa. O
sana, hindi na lang nagpadala sa
kalibugan. Nagsisisi ako. Kung galit ako
sa ginawa sa akin ni tatang, mas
nagagalit ako noon sa sarili ko dahil ako
mismo ay hindi ko tanggap na magiging
ganoon ako. Takot akong tanggapin iyon.
Ayaw ko… ayaw ko at ayaw ko kung ano
ang umuusbong sa akin.
Dumaan ang oras at maggagabi na.
nagugutom na din ako. Nagsimula nang
lamunin ng dilim ang liwanag.
Naglabasan na ang mga lamok. Noon ko
lang naranasang umupo si silong ng
kahoy at inabot ng gabi. Natatakot akong
umuwi ngunit wala akong ibang
mapuntahan. Natatakot din ako dahil
bigla kong naalala ang mga kuwento ng
mga kalaro ko tungkol sa puno ng balete
na tanaw lang sa kinauupuan kong puno
ng sampalok. Tumatayo ang mga
balahibo ko sa nililikha ng utak kong
mga haka-hakang may white lady daw
doon, may kapre, may paring pugot ang
ulo at lumilipad sa ere, may madreng
lawit ang dila, may babaeng malaki na
may kargang sanggong na duguan ang
mga mata at dahil hindi ko na
makayanan pa ang takot ay bigla akong
napatakbo palayo doon sa lugar na iyo at
ang tanging alam kong puntahan ay ang
aming munting kubo. Nauuhaw ako,
nagugutom at pinapapak ng lamok
ngunit natatakot parin ako sa mga
suntok ni tatang. Alam kong gabi na
noon. Matagal na kasi ang paglatag ng
dilim at halos lahat ng mga ilaw ng mga
kapit-bahay namin ay nakapatay na din.
Ngunit bukas pa ang gasera sa aming
bahay. Narinig kong parang may
lumabas sa bahay. Sinilip ko at si nanang
na parang hindi mapakali at nang alam
kong ako ang kaniyang hinihintay ay
lumabas na rin lang ako sa
pinagtataguan ko.
“Nang…” garalgal kong boses na parang
naiiyak ngunit nangangatog din ako sa
takot. Paano kung katulad din siya ni
tatang na papaluin lang ako? Paano kung
panigan niya si tatang imbes na ako?
“Diyaske kang bata ka! Saan ka
nagpunta?”
“Nang, si tatang po kasi!” tuluyan ng
umagos ang mga luha ko. Hindi ko na
kasi kayang pigilan dahil parang kahit
mataas ang boses ni nanang nang sinabi
niya iyon ay alam kong hinihintay niya
ang pag-uwi ko at hindi siya makatulog
nang wala ako.
“Kumain ka na ba? Saan ka nagtago? Ano
ba kasi ang ginawa mo?”
“Nang, kasi…” hindi ko kasi alam kung
alin ang uunahin kong sagutin. Kung
yung una at pangalawang tanong madali
lang sagutin, ang hindi ko kayang
ipaliwanag ay ang pangatlo.
“Pumasok ka na sa loob at nang
makakain ka na muna dahil may natira
pa naman na kakanin na naibulsa ko
para sa iyo kanina sa lamay. Mahugasan
narin natin ang mga sugat mo at
pagkatapos ay mag-usap tayo sa labas
dahil baka magising ang tatang mo.”
Nang nililinis na ni nanang ang sugat ko
sa mukha ay lalo akong napaluha.
Nakaramdam ako na parang kahit pala
papaano ay may kakampi parin ako, na
kahit paano ay may nagmamahal parin
pala sa akin sa kabila ng aking pagkatao?
Naisip kong bakit sa tinagal-tagal ng
panahon ay ngayon ko lang naramdaman
kay nanang na mahal niya ako?
Maghapon lang akong nawala.
“Halika sa labas at mag-usap tayo ha?
May mga sasabihin ako sa iyo.”
Sumunod ako sa kaniya.
“Anak..”
Napatingin ako sa kaniya. Hindi ko
inaasahang matatawag niya ako ng anak.
Napakatagal kong hinintay na isa sa mga
magulang ko ay matawag nila ako ng
ganoon.
“Gusto ko lang malaman mo na hindi mo
tunay na ama si tatang mo. Nabuntis
ako ng amo ko nang nagkatulong ako sa
isang mayamang pamilya at boyfriend ko
noon ang tatang mo. Dahil tatanga-tanga
ang nanang mo at puro paglalaba lang,
pamamalantsa ang alam at paglilinis ay
hindi niya inako ang responsibilidad niya
sa iyo. Nagpagamit ako sa kaniya dahil sa
sobrang guwapo ang ama mo. Nabaliw
ako sa kaniya. Lahat ibinigay ko hindi
dahil mayaman siya kundi dahil minahal
ko siya. Ngunit sino namang amo ang
papatol sa no read, no write lang na
kasambahay? Sino ang aakong
nakabuntis ng hamak lang na katulong?
Pinalayas ako at ang masakit ay hindi ka
pa tinanggap bilang anak niya.”
Napatingin ako kay nanang.
Nakaramdam ako ng awa lalo na ng
nakita ko ang dalawang butil ng luha na
umagos sa kaniyang pisngi. Tinignan niya
ako. Tinitigan ng husto at saka niya ako
niyakap. Yumuyugyog ang kaniyang
balikat.
“Anak, sa tuwing nakikita kita ay naalala
ko ang ama mo. Guwapong-guwapo
pero ang galit ko sa kaniya ay napunta
sa iyo lalo pa’t magkamukhang-
magkamukha kayo. Parang bumabalik
kasi ang ginawa niyang pagtalikod at
pagpapalayas sa akin ng kaniyang mga
magulang na ni hindi man lang ako
pinahalagahan ng ama mo. Dahil ba
mahirap lang ako? Binalikan ko ang
tatang mo, inako niya ang
responsibilidad na dapat ay sa ama mo.
Ngunit habang tumatagal ay lalo siyang
nag-iiba sa ating dalawa. Kung sana alam
kong hindi bukal sa loob niyang
tanggapin ang nangyari ay malayong
nagpakasal ako sa kaniya. Kahit sana
anong kahihiyan pa ang sabihin ng tao sa
akin ay sana binuhay na lang kitang mag-
isa. Hindi ko alam kung makitid lang ang
tatang mo o sadyang dinamdam niya ang
nangyari sa amin kaya hanggang ngayon
ay wala ka pang kapatid. Kanina nang
hindi kita naabutan dito at nang nakita
ko ang dugo sa suwelo natin at ilang oras
na nawala ka ay parang himatayin ako sa
kaiisip kung nasaan ka. Bigla kong
naramdaman ang kahalagahan mo sa
akin. Anak, patawarin mo ako kung
madami ang naging pagkukulang ko sa
iyo. Nang di kita makita dito sa paligid at
alam kong binugbog ka ng tatang mo ay
nagsimulang naramdaman ko na…”
Hinintay ko ang susunod niyang
sasabihin. Gustong-gusto kong
margining iyon ngunit tumigil siya.
Tumingin ako sa kaniya.
“Anong naramdaman niyo, nang?”
Muli niyang niyakap ako at hinalikan sa
aking batok… “Anak, mahal na mahal
kita… naramdaman kong hindi ako
kumpleto kung hindi kita nakikita dito.”
Tuluyan na din akong nahagulgol.
Naintindihan ko ang lahat at naawa ako
kay nanang. Sa unang pagkakataon ay
natulog ako sa tabi niya. Nang
kinumutan niya ako ay alam kong sa
mahabang panahon ay nahanap ko na
ang puso ni nanang. Alam kong may
kakampi parin ako sa aking buhay. May
nagmamahal parin sa akin.
Nagsimula ding hindi naging maganda
ang trato ni tatang sa akin. Lagi niya
akong bibulyawan. Wala akong
nagagawang tama ngunit sa tuwing
sasaktan niya ako ay si nanang ang laging
pumapagitna. At kung ganoon na ay si
tatang ang umaalis.
Tatlong araw bago ang graduation ko ng
Grade six ay tinanong ko si nanang
tungkol sa tunay kong ama.
“Mayaman sila anak. Mayaman na
mayaman. Nakuha mo ang kaniyang
tangkad at guwapo. Kung siguro sa
Manila ka din nakatira, siguradong
magiging katulad mo din siya ng kutis.”
Nakangiting kuwento ni nanang sa akin.
“Ano hong pangalan niya nang? Siguro
matatanggap niya ako kung makita niya
ako ngayon.”
“Iyan ang huwag na huwag mong
gagawin dahil ayaw kong mapagdaanan
mo ang ginawa sa akin. Tama ng ako na
lang ang winalang-hiya at binastos ng
pamilya niya anak. Wala silang puso at
kaluluwa. Hinding-hindi ka nila
matatanggap kaya magsumikap ka para
sa sarili mo.wala kang ibang aasahan
ngayon kundi ang sarili mong
kakayahan.”
Hindi na ako nagsalita pa dahil may
nakita akong pag-iimbot at sakit ng loob
kay nanang ngunit ipinapangako ko sa
aking sarili na pagdating ng araw,
ipapamukha ko kung sinuman ang tunay
kong ama na pagsisisihan niyang ginawa
niya sa amin.
Nagtapos ako ng Elementary. Hindi ako
nakakuha ng parangal dahil walang
maidonate na kahit ano ang pamilya ko.
Matalino ako ngunit wala akong pera
ngunit alam kong babawi ako at sapat na
sa akin na sa araw ng aking pagtatapos
ay hidi ako nag-iisa sa aking upuan.
Naroon si Nanang sa tabi ko. Proud na
proud na nakatapos ang anak niya.
Lumuluha siya ng abutin ko ang una
kong diploma. Ngunit alam kong hindi
lanng dalawa o tatlo ang iaabot ko sa
kaniya. Pangarap kong iahon siya at
darating ang araw na haharap kaming
dalawa ng aking ama para ipamukha
kung ano ang narating nang pinabayaan
niyang anak at inalipusta niyang babae.
At nang ako ay nasa high school na ay
siya namang pagdagsa ng sunud-sunod
na pagsubok sa buhay naming mag-ina.
Isang karumal-dumal na trahedya ang
nangyari sa aming pamilya. Iyon na din
ang panahon na pilit kong nilabanan ang
mali kong nararamdaman kasama ng
pagkapahiya, pagkabigo at ang tunay na
mapait na mga karanasan ng mga tulad
kong alanganin.
- Blogger Comment
- Facebook Comment
Subscribe to:
Post Comments
(
Atom
)
0 comments:
Post a Comment