MUSIC FOR LOVE CH 2
Umaga na,kaya nagmamadali siyang naghanda para di na naman ma-late sa skul.
“Oh Annie,iha,halika na at baka lumamig na itong pagkain” ang ina ang tumatawag sa kanya.Ito na lang ang kasama niya simula nung mamatay ang ama.Pero kahit ito na lang ang nag-aalaga sa kanya ay hindi ito nagkulang ng pagmamahal sa dalaga.Isa itong nutrionist kaya puro masasarap na pagkain ang inihahanda nito at kung kaya`t mas malusog siya.Binusog siya nito ng pagmamahal at atensyon kaya mas lalo niya rin itong minahal.
“Opo,bababa na” sagot niya rito habang tinatapos ang pagsusuklay sa harap ng salamin.
Pagkatapos ay bumaba na rin.
Amoy na amoy niya ang niluto nitong fried rice,beef tapa,pritong itlog at ang paborito niyang inumin na fresh milk. “Wow,mama,mas lalo akong ginutom ah” bulalas niya ng makita ang nakahapag sa mesa.Saka ito hinalikan sa pisngi.
“Ah sus,nambola ka pa,o sige na,kumain ka na at ah..baka mahuli ka na naman sa klase”
Umupo na rin ito para sabayan siya sa pagkain.
“Totoo naman eh,kaya mas lalo ko kayong minahal” at ngumiti siya sa ina.
“Oh eh,kumusta naman pala yung first day mo ha?” tanong nito sa kanya habang kumukuha ng fried rice.
Sinagot naman niya ito habang kumakain. “Uhm..” lumunok muna siya.
“Ok naman po,may kaibigan na agad ako si Sweet,hmm,name pa lang niya ang tamis na,tiyak magkakasundo kami nun” sabi niya dito habang iniisip ang bagong kaibigan.
“At tsaka nga pala ma,alam mo ba,may nakabangga ako kahapon tapos eto pa ha,magkaklase at magkatabi pa!” bulalas niya dito na lumaki ang mata sa huling tinuran.
“Ang yabang-yabang niya kaya ayun ginantihan ko siya sa ginawa niya sa`kin” umismid siya habang ipinahayag ang nangyari kahapon.
Mataman lang naman itong nakikinig sa kanya habang kumakain.
“Pero kinalimutan ko na yon,kasi alam mo,pogi eh,tsaka okey na sakin yun,at least nakaganti ako dibah?alam mo naman ako mala-anghel” ginawa niyang fake na pakpak ang mga braso at ngumiti.
“Ikaw bata ka oh,sige na tapusin mo na yan at baka maulit na naman yung nangyari kahapon” banta nito sa kanya.Kaya binilisan na niya ang pagkain.
Sa mansyon ng mga Anceslao..
“Sir Greg heto na po ang susi niyo” ang sabi nang matandang katulong.
“Nana Selya naman,ilang beses ko ba sasabihin sa`yo na Greg na lang?tutal para ko na rin kayong pangalawang ina dibah?” tama ang sinabi ng binata.Ito ang nagsisilbi niyang ina pag wala ang Mommy niya.Minsan kasi ay palagi itong kasama ng kanyang papa sa mga business trips.Matagal na rin itong nagsisilbi sa kanila kaya itinuring na nila itong kapamilya.
“Iho naman kasi,ano pang silbi ng pagiging katulong ninyo diba?” ang turan nito.
“Tsk,Basta,Greg nalang okey?” saka nito inakbayan ang matanda at hinalikan ito sa noo.
Sumakay na siya sa kanyang pulang sports car at nagpaalam na dito.
Si Greg Anceslao.Mabait,mayaman,Hindi matapobre,Palangiti.Pero sa mga malalapit ng kakilala niya ito pinapakita.Nagbago na siya simula nung nangyari sa kanila ni Yasmien.Nilagyan na niya ng pader ang sarili para wala nang makasakit sa damdamin niya.Hindi makapaniwala ang mga kaibigan niya ipinalit lang siya nito sa isang bansot na amoy lupa na pangit!Kaya siguro siya nito iniwan dahil mas mayaman ang lalaking yun kesa sa kanila.Nalaman niya kasi mula mismo dito na hindi siya nito minahal at kaya lang ito pumayag na magkarelasyon sila dahil lang sa pera niya.Pero minahal niya ito at sobrang siyang nasaktan sa inamin nito.Aba!ang tanga naman niya,ang laki ng lamang niya sa gurang na yon.
Matangkad siya,gwapo,makalaglag panty pa rin ang taglay kagwapuhan kahit pa fair-skinned siya.Ang buhok na hanggang balikat ay may shades ng red na bumagay na bumagay sa features ng kanyang mukha.Matipuno ang kanyang katawan na alaga sa gym na hindi halata sa edad nitong 19.Matalino rin ito at nasa 3rd year college na sa kursong business administration para na rin sa paghahanda niya sa kompanyang siya na ang susunod na mamamahala.
Kitam?Malaki ang lamang niya dito,halos lahat siguro ay papangarapin itong maging nobyo.Pero tanga ang babaeng iyon dahil hindi siya nito minahal at iniwan siya sa mas madatong na nuno sa punso..
Habang nagmamaneho ay hinayaan muna niya ang karimlan na bumalik sa agos ng nakaraan ..
"Yas,I’ve been waiting for you for like 1 hour na! asan ka na b a kasi?” nawawalan na siya ng pasensiya ng kausap sa phone ang nobya.Nasa sa isang restaurant siya at hinihintay ito dahil may date pa sila,dahil araw din yun ng mga puso.
“Ah,Gee,di ako makakapunta eh,sobrang busy ko lang talaga,I’m really sorry,babawi ako next time,okey?Mwah” at in-off na nito ang cellphone,at hindi man lang hinintay na makapagsalita siya ulit.Napabuga nalang siya ng hangin`Valentines na valentines pero wala siya!` bulong sa sarili.Ano bang nangyayari dito?Napapansin niya kasi lately na nanlalamig na ito sa kanya.May hinala siya na may iba na ito,kaya dali-dali niya itong pinuntahan sa bahay nito.
NANG makarating sa destinasyon ay pinindot niya agad ang doorbell.Ilang sandali pa ay lumabas na ito at binuksan niya ang gate.Sukat sa nakita ay lumaki ang mga mata ng dalaga.“Oh,parang nabigla kah atah?” sabi ni Greg dito.
“Ah,w-wala,ano bang ginagawa mo dito?di ba sabi ko sa`yo na busy ako”
“Sige na naman oh,ngayon lang,mahalaga ang araw na toh” pagsusumamo nito.
“Gee,hindi talaga pwede eh,sige na umalis ka muna at babawi nalang ako sa`yo next time” habang pilit nitong pasakayin siya ulit sa sasakyan niya.
“Teka,ano bang nangyayari?parang tarantang-taranta ka ah?” tanong ni Greg dito.
“W-wala,wag mo muna akong guluhin dahil importante ang ginagawa ko,okey?sige na”
“Honey?! Ba`t ba ang tagal-tagal mo?” may nagsalita sa likod nila.
“Ah?! May importante lang kaming pinag-uusapan ng kaibigan ko,sige na,pumasok ka mun” sabi nito sa isang matandang panget at bansot.Pumasok naman ito at saka hinarap ulit ang binata.
“Kaibigan?!Anong ibig sabihin non?!” di siya makapaniwala sa sinabi nito.
“Bakit ka niya tinawag na Honey?!ha?!” dugtong nito habang hinawakan nito ng mahigpit ang braso ng babae.“Aray!nasasaktan ako! Ano bah?!” namimilipit na sa sakit ang braso nito.
“Kaya pala nanlalamig ka na sa`akin,may iba ka na palang pinagkaka-abalahan,importante pala ha?” akma itong papasok sa bahay na yon.“Teka,makinig ka!” pero pinigilan siya ni Yasmien.Nagbabaga na ang mga mata ng lalaki.Nagsalita naman agad si Yasmien.
“Oo!aaminin ko,may relasyon kami,may problema ka ba dun?”Naningkit ang mata niya dahil sa narinig.”Problema?HA!nagtanong ka pa!”
“Mag-hiwalay na tayo” kalmado nitong sabi.“WHAT?what do y-“
“Greg,ni minsan hindi kita minahal,pumayag ako na maging tayo dahil sa pera mo!”Umaatras siya at panay ang iling “No,hindi yan totoo,pinagseselos mo lang ako”
“H-hindi.Totoo lahat ng sinabi ko.Dahil lang sa pera mo,kaya ako nakipag-relasyon sa`yo,pero na-realize ko na may tao palang mas mayaman pa sa iyo,at wala kang pangarap sa buhay.Pa`no mo ako ma-aalagaan niyan at ang mga magiging anak natin kung ganyan ka!Pero kahit anong gawin mo,hindi na ako makikipag-balikan sa`yo,dahil ni minsan…hindi kita minahal” kalmado pa rin nitong sabi.Bumalatay naman ang matinding sakit sa kanyang mga mata,hindi siya makapaniwala sa mga sinabi nito,parang libo-libong punyal ang yumurak sa puso niya.
“Umalis ka na,hindi ko kailangan ang isang katulad mo,na walang patutungahan,mabuti pa kay Mario ay magiging maganda ang kinabukasan ko,I’m sorry” dagdag pa nito.Na lalo pang dumagdag sa matinding sakit na nadarama.Hindi na siya nakapag-salita pa at sumakay na sa kanyang sasakyan.
GABI-GABI siyang naglalasing at parang wala ng ganang ipagpatuloy ang buhay.Isang gabi ay binisita siya ng mga kaibigan.
“Pare,tama na yan,tingnan mo nga yang sarili mo?” pinilit na agawin ni David ang alak na iniinom niya.“Hmm.wag niyo akong pakialaman!” singhal nito sa tatlong kaibigan
.“Bro,makinig ka,kahit anong gawin mong inom,hindi na maibabalik yung dati,kung di ka niya mahal,pabayaan mo siya,isipin mong siya ang nawalan,hindi ikaw,at hindi rin ibig sabihin na kahit wala na kayo ay lulunurin mo yang sarili mo sa alak,panandalian lang yan,wag mong sayangin ang buhay mo dahil lang jan,dapat pa ring magpatuloy ang buhay mo,andito pa rin kami,handing dumamay sa`yo” sabi naman ni Max.Hindi niya mapagilan ang mapaluha.
”Pare,wala naman akong ginawa kundi ang mahalin siya,ang sakit pare,ang sakit sakit..”Hinimas-himas naman ni Ken ang likod niya,ramdam na ramdam ng mga kaibigan ang paghihirap niya.
”Pare,naiintindihan naming ang nararamdaman mo,dahil naranasan din naming iyan,na-alala mo ba yung sinabi mo sakin nung nangyari yan sakin?Diba ang sabi mo-`Di mo kailangan ang mga taong nakakapagbigay ng sakit dyan sa puso mo`.Dude,isipin mo yon,matuto kang bumangon ulit at magsimula ng bagong buhay,malaki ang nawala sa kanya,okey?Aba!marami ka pang makikita dyan na magmamahal sa iyo ng totoo,kaya kalimutan mo na yung babae nay un,Geh na,tigilan mo na yang paglalasing mo,wala yang mabuting idudulot sa`yo,just try to move forward” ang mahabang litanya naman ni Ken sa kanya.Binitawan naman niya ang tinunggang alak.
“Mga bro,salamat,kaibigan ko talaga kayo” nangiti ito pero sumisinghot pa rin.
“Wala yun,alangan naman na pabayaan ka namin,ano pa`t naging magkaibigan tayo?Di namin gusto na nakikita kang nasasaktan,kaya hangga`t maaari magtutulungan tayo” ngiting sabi ni David.“Salamat talaga”
“Geh na maligo ka muna,nangangamoy ka na eh”sabi naman ni Ken.Nagkatawanan naman ang apat.
BACK TO PRESENT ..
“Ugh,bakit mo pa ba iniisip yun? “suway sa sarili nang may mapadaang aso na kamutikan na niyang mabangga.
“Shit!That was close,bakit mo pa kasi iniisip yung babaeng yun eh!” sermon niya sa sarili.

0 comments:
Post a Comment